Posts tagged with thoughts...

Minsan yung sobrang tagal mong hinintay, hindi na nakakaexcite pag dumating.

Ang hilig kong kumanta kahit alam kong pangit ang boses ko.

Umaasa kasi ako na tulad ni Anne Curtis balang araw magkakaalbum din ako. Hahhaaha! Charought!

Balang araw kakain tayo sa labas kahit hindi dun sa mamahalin, wala pa naman tayong trabaho eh. Okay lang din kahit hindi masarap. Basta magkasama tayong kumain at ine’enjoy natin yung pagkain. Okay na sa akin yun. Gusto kong makita mo kung gaanong katakaw ‘tong babaeng kasama mo. Gusto ko din makita pano ka kumain. Parehas ba tayong matakaw? Parehas ba nating ayaw ng gulay? May mga pagkain ka ba ng gusto o ayaw? Ano kaya yung mga paborito mong pagkain? Tska yung mga bawal sayo ano yun? Kapag kinuha ko yung pagkain mo wag kang makikipagagawan sakin ha?  ibig sabihin nun nabitin ako dun sa inorder ko. Pero kapag ikaw ang nabitin wag mong kukunin yung pagkain ko ha? Ako nalang oorder kung ano man gusto mo. hihi

Minsan na iinlove tayo sa pinaka-weird na paraan.

Kung sino ka man,

Marami akong plano kapag naging tayo. Hindi lang isa, dalawa, tatlo basta marami akong plano. Gagawin ko yung the best ko. Gagawin ko lahat para maging the best para sayo. Babaguhin ko lahat ng mali sa sarili ko. Susundin ko lahat ng gusto mo. Lahat ng tama ipagpapatuloy ko. Basta para sayo gagawin ko lahat ng makakaya ko. Mahal na kita. Kung sino ka man. :)

Hindi ko sinasabing hindi kayo meant to be. Only fate knows that. Ang sinasabi ko lang, maybe you’re not at the right time.

Mahal mo pa naman ang ex mo. It’s so clear na you still love him. The way you care about him, the way you worry about the little things for him. Bakit di mo nalang sinabing “Sana ako na lang ulit” kasi yun naman talaga ang gusto mo, diba? Hindi mo man aminin pero yan talaga ang nararamdaman mo deep inside, right? Be true to yourself! Wag kang plastik sa sarili mo.

When you let it out, gagaan ang nararamdaman mo. You can just cry it out. Normal lang namang umiyak kasi antagal nyo ring nagsama. Abnormal lang ang hindi iiyak sa ganyang sitwasyon.

I love seeing old couples. It gives me faith that some LOVE lasts FOREVER.

"May mga pagkakataon na makakahanap ka ng mamahalin mo, pero hindi sya ang taong itinakda para sayo. :("

- magingakinkalang

"Kapag nagmahal ka, huwag kang umasa na lahat masaya. nandiyan si SELOS, si HINALA at si TUKSO. Kapag mahina ka, sila ang sisira sa relasyon na inaalagaan mo. Pero kung MATATAG ka, hindi ka nila MATITIBAG. Ipaglaban mo hangga’t kaya mo. pero kapag ang relasyon ay puro LUHA at LUNGKOT, puro SAKIT at SAMA NG LOOB, Bumitaw ka na. Wag mong hayaan maging bato ang puso mo para lang sa kanya."

Mahirap magtapat ng feelings mo para sa isang tao. Natatakot ka lang kasi baka may mag bago sa pakikitungo nya sayo. Na kapag sinabi mo yung totoong nararamdaman mo, ibang reaksyon ang matanggap mo hindi yung reaksyon na gusto o inaasahan mo. Kaya minsan mas mabuti ng itago nalang kesa masaktan ng lubusan.

Kung akala mo nakakalimot na ako, hinihintay lang kita na unang magparamdam. Ayoko kasing isipin mong pinagsisiksikan ko sarili ko sa’yo.

The Best Feeling.

Yung nahanap mo na yung taong mahal ka talaga.

Yung totoo.

Yung hindi puro kalandian ang gusto nya.

Yung mahal ka nya di dahil maganda ka, di dahil may kaya kayo, di dahil sa katawan mo, kundi sa di nya alam kung bakit ka nya mahal dahil di daw niya maipaliwanag ang pakiramdam kapag kayo ay nag sama.

Naransan mo ba magmahal ng sobra?

Oo, magmahal ng sobra. Yung tipong kaya mong gawin ang lahat para sa kanya, at natatakot ka na ma-disappoint sya sayo. Pero alam mo kung anong masakit? Yung magmahal ka ng sobra, tapos masasaktan ka kapag narealize mo na hindi ka nya kayang mahalin katulad ng pagmamahal mo sa kanya. Sabi nila, hindi daw kadalasan reciprocal dapat ang pagmamahal. Kaso ang problema kasi, nagmamahal tayo ng sobra, hindi na tin alam, may chance din na masaktan tayo ng sobra.

Nakakainis. Ang unfair. Simula ng nagka-boyfriend ka hanggang ngayon, palagi nalang ikaw nagmamahal ng sobra. Hanggang ngayon. Yung tipong kaya mong i-risk ang lahat para sa kanya. Kaya tuloy palagi akong talo. Palagi akong nasasaktan. Napapagod ka na no? Paulit ulit nalang nangyayari sa buhay mo. Kelan kaya dadating ang araw na mamahalin naman ikaw ng sobra ng isang lalaki? Marahil, madaming lalaki na nga ang nagmahal sayo ng sobra.

Bulag ka lang siguro talaga, o wala sa kanila ang hinahanap mo. Pero nakakapagod din diba? Minsan sinisisi mo sarili mo. Di mo alam kung ikaw ba ang may mali. Kasi lahat ng relationships mo, fail.’ Nakakainis lang. Ang shit lang.